May 18, 2007 Ako si Ayel. (exercise ito sa isang writing workshop ni aida santos, magpakilala raw ng sarili) Kumain ako ng siling labuyo minsan, walang pag-atubili. Sabi ko, maiksi lang ang buhay. Matapos ng nakaluluhang insidente na iyon, nabasa ko sa isang notepad-- there are two things one must do before he dies, write a poem, plant a tree. Walang sinabi na eat siling labuyo. Kung sabagay, before he dies naman ang sinabi, at hindi before 'she' dies. Ganunpaman, kung ginawa ko sigurong relihiyon ang notepad, papasa na rin ako sa langit. write a poem, plant a tree…Dati na akong nagtanim ng puno; di ko lang alam kung tumubo. Nasa lahi ko ang mga nagtanim ng niyog, paminta, rambutan, lansones, mangga, at higit sa lahat, ng kapeng barako sa batangas. Nagtatrabaho rin ako sa isang organisasyon para sa mga magsasaka, pwede na rin yun. plant a tree, write a poem…Sumulat na rin ako ng tula. Elementary ako nung magsimulang sumulat ng tula, wala akong natatandaan sa mga sinulat ko. Ang natatandaan ko yung isang tula ko nung hayskul, na-publish sa school paper at may pamagat na estuary of dreams. Noon kasi, malalim ang dating sa akin ng salitang estuary, akala ko ganuon ang pagtula, nagkukubli sa lalim. Mababaw na ako ngayon. Mas gusto ko ngang ipakilala ang sarili sa pamamagitan ng aking most embarrassing moments. Pero kulang ang isang pahina. Kaya ito na lamang pinakahuling embarassing moment ang ibabahagi ko -- isang araw, suot ko ang aking t-shirt na may mensaheng – stand up against US terrorism. Politikal na mensahe. Malakas ang dating. At higit sa lahat kulay black, hindi dumihin. Nang may makapulong akong isang foreigner, isang new-york based Pakistani, bahagya ko pang binuksan ang aking jacket upang kanyang mabasa ang nakasulat sa tshirt, nagmamagaling pa akong humirit ng – “so, were you there during the 7-11?” Ito at ang iba pang mga nakakapangliit o nakakahiyang pangyayari sa buhay-buhay ang dahilan para sumali ako sa workshop. Hindi para kalimutan kundi para maranasan kong muli. Kadalasan, sa mga pagkakataon na may nagagawa akong nakakahiya, yun din ang mga pagkakataong hindi ko gaanong binabantayan ang aking salita at kilos. Pakiramdam ko, mas malaya ako sa mga pagkakataong ito. So, were any of you in New York during the “7-11”? | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
May 1, 2012 unang ulan sa Mayoisa, dalawa, tatlo bilangin, patak sa alulod kanina, lubid na di-maputol sa nakangangang drum, nakasahod sa unang ulan ng Mayo may kiti-kiti sa aking pusod marso, abril, mayo init ng araw sumingaw daliri’y agad... more
Aug 29, 2007 agnes' offeringcomposed by agnes for teresa; birthday ni agnes baylanessi ngayon!
| Jun 1, 2011 ![]() OF LOVE AND OTHER DEMONSThe story started with an incidence of rabies and developed into a story of love that is more powerful and unforgiving than rabies itself. Even the atheist in the story professed that: “love was an emotion contra natura that condemned two strangers... more
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||



